Dahil sa giyera sa Iraq: Pagtaas ng presyo ng langis titindi pa
MANILA, Philippines - Dahil sa tumitinÂding giyera sa bansang Iraq, ipinahayag kahapon ng Department Of Energy (DOE) na posibleng tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Sinabi ni DOE Undersecretary Zenaida Monsada na posibleng piso kada litro ang magiging pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ayon naman sa ilang industry sources, mas mataas pa sa piso ang magiging pagtaas ng nasabing produkto.
Sinasabing kontrolado na ng mga rebeldeng grupo ang hilagang bahagi ng Iraq at patungo na sila sa katimugang bahagi na kakatagpuan sa oil refinery at production facility.
Ayon pa sa DOE, ang Iraq ang nasa paÂngatlo sa buong mundo na nag-su-supply ng produktong petrolyo kung saan mahigit 3.3 million barrels kada araw ang pino-produce ng nasabing bansa.
Dahil sa pagsipa ng presyo nito sa tatlong dolyar kada bariles ay nangangamba naman ang DOE na posibleng magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas.
Sanhi ng insidente, nagbabadya na naman ang transport group para hinilingin ang pagtaas ng pasahe bagaman katataas lamang noong Hunyo 14 ang pasahe sa jeep.
Ipinapayo ng ahensiya sa publiko na magtipid muna sa paggamit ng gasolina at magpakarga na ngaÂyong weekend dahil sa araw ng Lunes kadalasang nagpapatupad ng pagtatatas ng mga presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.
- Latest