^

Bansa

Enrile positibong makakalaya ulit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Positibo si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na katulad ng mga nakaraan niyang karanasan, muli siyang palalayain ng korte kahit pa arestuhin siya dahil sa kasong plunder.

Nakatitiyak si Enrile na makikita ng korte na wala siyang kasalanan at muli siyang makakalabas upang ipagpatuloy ang serbisyo bilang senador.

Ikinuwento pa ni Enrile na halos tuwing dekada ay palagi siyang nakukulong simula ng pumasok siya sa pulitika.

“Tuwing dekada ba, simula nung ako’y pumasok sa pulitika pagkatapos ng EDSA Revolution, ako ay nakukulong. Kinulong ako nung panahon ni Ginang presidente Cory Aquino, (kinasuhan ako) ng rebellion complex with murder. Ikinulong ako at 10 araw ako nakakulong sa (Camp) Karingal,” ani Enrile sa kanyang talumpati sa harap ng mga opisyal ng Cagayan sa isang pagtitipon sa Senado noong Huwebes ng gabi.

Kahit aniya noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo ay nakaranas rin siyang makulong pero pinakawalan din.

Sa lahat aniya ng pagkakataon ay palaging dumudulog sa Supreme Court si Enrile at palagi naman siyang napapalaya. Umaasa ang senador na mauulit ang kanyang karanasan sa sandaling iakyat niya sa SC ang kinakaharap na kasong plunder.

AKO

CORY AQUINO

ENRILE

GINANG

HUWEBES

IKINULONG

IKINUWENTO

KAHIT

PANGULONG GLORIA ARROYO

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with