^

Bansa

Bong nakakulong na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Himas rehas na ngayon si Senador Ramon “Bong” Revila Jr. sa kanyang kulungan sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame matapos sumuko ngayong Biyernes sa Sandiganbayan.

Inihatid ng mga awtoridad at ng kanyang pamilya si Revilla sa PNP Custodial Center.

Bago tuluyang makulong ay dumaan muna sa PNP Multi-Purpose Hall si Revilla kung saan isinagawa ang booking process kabilang nag pagkuha ng kanyang mug shots at fingerprints.

Kaugnay na balita: Arrest warrant kay Bong, 31 pa inilabas na ng Sandiganbayan

Sumailalim din ang senador sa physical at medical examination.

Isa si Revilla sa tatlong senador na kinasuhan ng Office of the Ombudsman.

Inireklamo rin ng Ombudsman sina Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Kaugnay na balita: Bong nais makapagpiyansa

Naunang sinabi ni Revilla na ni sa panaginip ay hindi niya nakitang makukulong siya.

Dagdag niya na tila isang bangungot ang kanyang pinagdadaanan.

Kaugnay na balita: Palasyo sa pagkakaaresto kay Bong: Mananaig ang katotohanan at hustisya

BONG

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

JUAN PONCE ENRILE

KAUGNAY

MULTI-PURPOSE HALL

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REVILA JR.

REVILLA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with