Bong aarestuhin na!
MANILA, Philippines - Anumang oras ngaÂyon ay aaresÂtuhin na si Sen. Ramong “Bong†Revilla, Jr. at mga kapÂwa akusado sa kasong plunder matapos iutos na ng Sandiganbayan ang pagpapalabas ng warrant of arrest.
Ito’y makaraang kakitaan ng graft court na may probable cause ang mga kasong plunder at graft na nagdidiin kay Revilla at iba pa hinggil sa isinampang kaso ng tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng P10 billion pork barrel scam.
“Wherefore, let warrants of arrest be issued against the accused,†nakasaad sa resolution ng Sandiganbayan.
Ngayong umaga inaÂasahang mailalabas ng korte ang warrant of arrest na ibibigay ng sheriff sa Philippine National Police o sa National Bureau of Investigation para maisilbi.
Hindi natapos ng clerk of court ang paggawa ng warrant kahapon dahil inaÂbot na ito ng pagtatapos ng office hours at hindi na napirmahan ng presiding justice.
Gayunman, ngayon pa lang ay nagpasabi na ang kampo ni Revilla na kusa itong susuko sa batas.
Kasalukuyang nasa bahay sa Bacoor, CaÂvite si Revilla. SinasaÂbing handa na rin ang mga gamit nito sakaling isagawa na ang pagsuko kaugnay ng kinasasangkutang kaso.
Kabilang sa mga kasamahang akusado ni Revilla sa mga kasong plunder at graft sina Richard Cambe, negosyanteng si Janet Lim-Napoles, kapatid na si Ronald Lim at John Raymund de Asis.
Kasama ni Revilla sa kasong graft sina Mario Relampagos, Rosario Salamida Nuñez, Lalaine Narag Paule, Marilou Dialino Bare, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Francisco Figura, Rosalinda Lacsamana, Mariviv Jover, Myla Ogerio, Eulogio Rodriguez, Laarni Uy, Consuelo Espiritu, Evelyn de Leon, Allan Javellana, Encarmita Munsod, Maria Julie Johnson,Victor Cacal, Maria Niñez Guanizo, Rhodora Mendoza, Gondelina Amata, Emmanuel Sevidal, Ofelia Ordoñez, Sofia Cruz, Chita Jalandoni, Gregorio Buenaventura, Jocelyn Piorato at Evelyn Sugcang.
- Latest