^

Bansa

‘No Busina Day’ tuwing Linggo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ang panukalang nagbabawal gumamit ng busina sa tuwing araw ng Linggo.

Sa House Bill 4542 na inihain ni Torres- Gomez, ang pagbusina ng mga sasakyan ay nakakairita at hindi nakakatulong sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Nakasaad pa sa panukala na ang pagbusina rin ang minsang nagiging dahilan para magkaroon ng road rage at nagiging dahilan ng noise pollution sa bansa.

Paliwanag pa ng kongresista, ang eardrum ng isang tao ay sensitive sa ingay hindi lamang kapag nasa eakuwelahan at hospital zone kundi kahit nasaang lugar kaya dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno na mabawasan ang mga kaso ng pagka­bingi na nag-uugat dahil sa patuloy na exposure ng isang tao sa mataas na lebel ng ingay.

Itinatakda sa panukala na tuwing araw ng Linggo ang “ no busina day” dahil dito ginagawa ang mga solemn religious activities 

Giit pa ng kongresista, walang pinagkaiba ang panukala sa “car less day” sa ibang bansa at ang number coding scheme dahil kailangan din dito ang police power upang ma-promote ang kapakanan ng lahat.

Exempted naman dito ang mga driver ng ambulansya at iba pang medical vehicles, firetrucks, police car, military vehicles at mga driver na mayroong emergency situations.

GIIT

GOMEZ

ISINUSULONG

ITINATAKDA

LEYTE REP

LINGGO

LUCY TORRES-GOMEZ

NAKASAAD

SA HOUSE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with