Enrile, Jinggoy, Bong redi nang sumuko
MANILA, Philippines - Nagpadala na ng surrender feelers sa PhiÂlippine National Police (PNP) sina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada kaugnay ng napipintong pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga ito ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder.
Ayon kay PNP-CriÂminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong, may ‘gentlemen’s agreement’ na sa kanilang tanggapan ang tatlong senador.
Bukod sa tatlong pork solons, aabot sa mahigit 50 pa na isinasabit sa P10 bilyong pork barrel scam ni Janet Lim Napoles ang nakahanda ring arestuhin ng PNP-CIDG.
Una rito, inihayag ni Jinggoy na kusa siyang susurender habang sinabi naman ni Enrile susuko siya at handang mamatay sa kaniyang selda habang si Revilla naman ay nakipag-ugnayan na sa PNP-CIDG upang bigyan siya ng makataong pagtrato sa pagsurender niya sa batas.
Ayon kay Revilla, maÂhigit na isang buwan na ang nakakaraan ng makipag-usap siya kay Magalong para ipabatid ang kahandaan niyang sumuko sa opisyal.
Hiniling din ni Revilla na sana ay magkaroon ng respeto ang mga awtoridad lalo pa’t wala naman siyang balak na tumakas at haharapin niya ang kinakaharap na kaso.
Maging si Estrada ay nagpahayag ng kahandaan na magtungo na lamang sa opisina ni MaÂgalong kapag ipinalabas na ang kanilang warrant of arrest.
Hiniling ni Estrada na huwag na siyang arestuhin sa kanilang tahanan dahil magiging traumatic umano ito para sa kanyang mga anak lalo na sa kanilang bunso.
Nangako naman umano si Magalong na igagalang ang kagustuhan ng mga senador na sumuko na lang at huwag ng arestuhin.
Ipapabatid rin umano ng opisyal ng CIDG sa mga aarestuhing senador sa sandaling ipalabas na ng Sandiganbayan ang warrant of arrest.
Gayunman, sa panig ni PNP-CIDG National Capital Region Chief P/Sr. Supt. Roberto Fajardo, sinabi nito na irerespeto nila ang kasunduan pero tungkulin pa rin nilang ipatupad ang warrant of arrest na iisyu ng Sandiganbayan anumang araw mula ngayon.
Sinabi naman ni PNP Chief Public Information Office Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na posibleng hindi na posasan ang tatlong senador kung kusang loob naman ang mga itong susuko sa batas.
Sinabi rin ni Sindac na naghahanap na sila ng venue para sa gagaÂwing proseso sa booÂking, mugshot at finger printing laban sa mga akusado dahil hindi ang mga ito magkakasya sa tanggapan ng CIDG kaya ikinokonsidera nilang gamitin ang multi-purpose hall at maging ang conference room sa Camp Crame.
- Latest