Tsina nagbigay ng P100K sa ospital sa Tacloban
MANILA, Philippines – Sa kabila ng gusot sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa pinag-aagawang teritoryo, nagpaabot ng tulong ang embahada ng Tsina sa Tacloban City.
Nagbigay ng P100,000 ang embahada para sa pagsasaayos ng isang ospital sa Tacloban City, ang pinakamatinding hinagupit ng bagyong “Yolanda†Nobyembre ng nakaraang taon.
Si International Bazaar Foundation Inc. (IBF) Chairperson Gretchen del Rosario ang personal na tumanggap ng tseke mula sa tagapagsalita ng embahada na si Zhang Hua.
Gagamitin ang pera sa pagsasaayos ng Divine Word Hospital ang tanging ospital na tumanggap ng pasyenteng matapos ang pananalasa ni Yolanda.
Nagsampa ng arbitration case ang Pilipinas laban sa Tsina dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
- Latest