Barya bawal nang ipunin
MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagbabawal sa pagho-hoard o pag-iipon ng barya.
Sa House Bill 4411 ni Batangas Rep. Sonny Collantes, ginagawa ng krimen ang hoarding ng barya. Walong taong kulong at pagmumultahin ng P300,000 ang lalabag dito bukod pa rito ang pagkumpiska sa mga naipong barya.
Hindi naman sakop ng panukala ang mga charitable institutions, pribadong bangko, financial institutions at mga ahensiya ng gobyerno.
Maaari rin umanong i-exempt ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa parusa ang mga retail business o mga sari-sari store subalit kailangang tiyakin na hindi sobra-sobÂra sa pangangailangan ng tindahan ang iniimbak nitong barya.
Itinatakda rin ng panukala na magbuo ang BSP ng implementing rules and regulations na siyang magdedetermina ng pinagsama-samang halaga, bilang ng halaga at bigat na siyang magtatakda kung hoarding ito ng barya.
- Latest