^

Bansa

Sapat ang ebidensiya vs 3rd batch sa ‘pork scam’ tiniyak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni  Justice Sec. Leila de Lima na sapat ang kanilang  hawak na ebidensiya  laban sa ikatlong batch ng mga mambabatas na sangkot sa pork scam.

Bagama’t hindi  pa kinukumpirma ni De Lima, kabilang daw sa kakasuhan ngayong linggo sina Sen. Gringo Honasan na malapit kay Sen. Juan Ponce-Enrile, ilang incumbent at dating kongresista gaya ni TESDA director-general Joel Villanueva, Victor at Manuel Ortega ng La Union first district, Amado Bagatsing, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at ilan pang taga-oposisyon.

Sinabi ni De Lima na  hindi sila nagsasampa ng kasong mahihina at walang sapat na katibayan o ebidensya.

Ayon kay De Lima, hindi rin nila tinitingnan kung administrasyon o taga-oposisyon ang mga iniimbestigahan.

Sa ikatlong batch, tanging si Villanueva ang miyembro ng administrasyon habang sa ikalawang batch ay tanging si dating Customs Commissioner Ruffy Biazon.

 

AMADO BAGATSING

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DE LIMA

GRINGO HONASAN

JOEL VILLANUEVA

JUAN PONCE-ENRILE

JUSTICE SEC

LA UNION

MANUEL ORTEGA

ORO REP

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with