Magiging kulungan ng ‘3 pork solons’ et al, ipinakita sa Media
MANILA, Philippines - Ipinakita sa mga mamamahayag ang pagkukulungan kina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada kasama ang nasa 50 iba pa na kinasuhan ng pandaramÂbong sa Sandiganbayan kaugnay ng pagkakaÂsangkot sa kontrobersiyal na P10 bilyong pork barrel scam.
Ang kulungan ay may mataas na pader na pinalibutan ng barb wire na magsisilbing detention facility ng mga akusado sa loob ng PNP Custodial Center.
Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang mga mamamahayag na makapag-tour sa 4 door unit na gusali na sumusukat ng 4 by 8 metro na napapalibutan rin ng mga rehas ang bintana pero di hamak na mas malaki at mas maganda kung ihahambing sa ibang detention facilities at naka-tiles pa ang sahig.
Ang mga detention cell ay bagong gawa, may isang higaan, maliit na mesa, ceiling fan, banyo, detachable shower at lababo. Samantalang mayroon ring bagong Multi Purpose at Administrative Office sa loob ng PNP Custodial Center.
Sa oras na ipiit ang mga akusadong pork solons ay ipatutupad ng PNP ang mahigpit na pagbabantay sa detention facility sa loob ng 24 oras.
Ipinagtanggol naman ni Chief Supt. Reuben TheoÂdore Sindac ang pagpapatayo ng PNP ng tila apartment type detention cell na inihahanda para kina Enrile, Estrada, Revilla at iba pa.
Ipinaliwanag ni Sindac na kaya ganito kaganda ang mga units dahilan sa hindi naman talaga ito kulungan dahil ang orihinal na plano dito ay magsilbing Officers Quarters.
Sinabi ni Sindac, kung sakali ay pansamantala lamang ang pananatili ng mga sabit sa pork scam sa nasaÂbing detention facility at ang korte na ang magdedesisyon kung saan talaga ang mga ito ipipiit.
Kabilang rin sa mahigpit na ipatutupad ng PNP ay ang regulasyon sa pagdadala ng mga gamit sa loob ng quarters at pagpapatupad ng visiting hours.
- Latest