HDO vs PDAF scam suspects, inilabas ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Nagpalabas ang Sandiganbayan 5th division ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga isinasangkot sa pork barrel scam.
Nangunguna sa listahan si Sen. Jinggoy Estrada, sinundan ni Janet Lim Napoles at DBM Usec. Mario Relampagos.
Kasama rin sa inilabas na HDO sina Pauline Labayen, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Maria Julie Villaralvo-Johnson, Victor Roman Cacal, Maria Ninez Guanizo, Romulo Relevo at John Raymund de Asis.
Ang HDO ay inilabas ng anti graft court kasunod ng pagsasampa ng kasong plunder at graft kay Estrada habang graft case naman laban sa iba pang nabanggit.
Matatandaan na nitong biyernes lang niraffle ng Sandiganbayan ang mga nasabing kaso.
- Latest