^

Bansa

Networking tugon sa mass lay-off ng mga guro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palakasin ang  school networking.

Ito naman ang naging rekomendasyon ni CBCP-Episcopal Commission on Catholic Education at Manila Archdiocesan Parochial School Association (MAPSA) President Msgr. Gerry Santos sa pagitan ng mga pribado at pampublikong paaralan para matugunan o masolusyunan ang pagi­ging unemployed ng may 85,000 mga guro sa “full implementation” ng K-12 program ng Department of Education sa 2016.

Ayon kay  Msgr. San­tos, maaari namang mag­turo sa Senior High School ang mga guro na nagtuturo sa 1st year College na direktang maapektuhan ng bagong curriculum.

Naniniwala si Msgr. Santos na pansamantala lamang ang kakaharaping problema ng mga guro hanggang sa maging stable na ang K-12 program.

Aminado ang pari na maging mahirap para sa mga 1st and 2nd year College professor ang “transition period” ng programa.

Inihayag ni Msgr. Santos na mahalagang magkaroon ng connecti­vity ang mga college at universities na apektado ng programa sa halip na isolate  nila ang kanilang sarili o maging hadlang sa ikatatagumpay ng sistema.

Tiwala naman si Msgr. Santos na matutugunan ang mga problemang kakaharapin sa implementasyon ng K-12 program kung magiging magaling ang transition management o mga taong ma­ngangasiwa sa malaking pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Hinimok din ni Msgr. Santos ang mga opis­yal na namumuno sa implementasyon ng K-12 program na magkaroon ng communication sa mga taong maaapektuhan ng programa.

 

AMINADO

CATHOLIC EDUCATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

EPISCOPAL COMMISSION

GERRY SANTOS

MANILA ARCHDIOCESAN PAROCHIAL SCHOOL ASSOCIATION

MSGR

SENIOR HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with