^

Bansa

Divorce bill malabong lumusot sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malabong lumusot ang divorce bill sa Kamara dahil maituturing itong unconstitutional at labag sa batas.

Paliwanag ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas, kailangan munang amyendahan ang maituturing na matandang konstitusyon ng Pilipinas bago maaprubahan ang nasabing panukala.

Sa panayam kay Fariñas, sinabi pa nito na sa mga hearing noong mga nakaraang kongreso ay madaling hamunin  ang Divorce bill bilang unconstitutional ito ay dahil sa base sa Article XV, Section 2 ng konstitusyon nakasaad dito na “marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the state”.

Giit pa ng kongresista, ang pangunahing obligasyon ng gobyerno ay protektahan at mapanatili ang kasal ng mga Pinoy.

Dahil dito kaya paano umano magpapasa ng batas ang kongreso na lalabag at wawasak sa sakramento ng kasal.

Ang pahayag ni Fariñas ay bunsod sa nakabinbing panukala ni Gabriela partylist Rep. Luz Ilagan kung saan ito umano ang kasagutan sa mga problema sa pagsasama ng isang mag asawa.

Nauna na rin nagpahayag si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na hindi prayoridad ng 16th Congress ang Divorce bill.

 

DAHIL

FARI

GABRIELA

GIIT

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

ILOCOS NORTE REP

KAMARA

LUZ ILAGAN

MALABONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with