Sandiganbayan: Jinggoy bawal nang lumabas ng bansa
MANILA, Philippines — Naglabas na ngayong Lunes ng hold departure order ang Sandiganbayan laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kanyang pagkakadawit sa pork barrel scam.
Si Associate Justice Roland Jurado ng Fifth Division ang naglabas ng kautusan laban sa senador.
Sakop din ng kautusan ang aid ni Estrada na si Pauline Labayen, Department of Budget and Management Undersecretary Mario Relampagos at government employees na sina Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Maria Julie Villaralvo-Johnson, Victor Roman Cacal, at Romulo Relevo.
Kaugnay na balita: Jinggoy mawawala muna sa Senado
Kinasuhan si Estrada ng plunder at graft ng Office of the Ombudsman.
Ang hold departure order ang unang ginawang hakbang ng anti-graft court kasunod nang pagkaka-raffle ng kaso nitong Biyernes.
Bukod kay Estrada kinasuhan din ng Ombudsman sina Senador Juan Pone Enrile at Bong Revilla.
- Latest