Taal nagtala ng 11 volcanic quakes
MANILA, Philippines - Labing-isang volcanic earthquakes ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nananatiling nasa alert level 1 ang bulkan at ang nasabing pagyanig ay indikasyon na maaring magkaroon ng mapanganib na pagsabog anumang oras.
Kaya naman pinaalalahanan ang publiko na off-limits muna sa bunganga ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagbuga nito ng usok dulot ng pagsabog at paglabas ng mga toxic gases.
Ang northern portion ng main crater ng bulkan, sa bisinidad ng Daang Kastila, ay maaring maging mapanganib dahil sa paglabas ng usok mula sa bitak nito na patuloy na nadadagdagan.
Pinaalalahanan din ang publiko na itinuturing na permanent danger zone at hindi na inirerekomenda ang paninirahan dito.
- Latest