^

Bansa

DepEd sa LGUs: Suspensyon ng klase sa tag-ulan, agahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasunod ng pormal nang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga local government officials na agahan ang pagdedesis­yon sa suspensiyon ng klase kung may bagyo o malakas ang pag-ulan.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral partikular na kung malakas ang buhos ng ulan.

Paalala pa ni Umali, ang kapangyarihan na suspendihin ang klase ay nasa kamay na ng mga local government units (LGUs), partikular na kung wala namang storm signal.

Sinabi ni Umali na ang assessment kung may pasok o wala sa mga paaralan sa panahong umuulan ay dapat isagawa bago mag-alas-5 ng umaga upang maagang maiimpormahan ang mga magulang.

Kung isasagawa anya ang suspensiyon sa panahong nakapasok na ang mga ito sa paaralan o nakaalis na ng bahay ay nag-aalala lamang ang mga magulang at lalong nalalagay sa pa­nganib ang mga bata.

Nitong Hunyo 10 pormal na idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

ASSISTANT SECRETARY TONISITO UMALI

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

KASUNOD

NITONG HUNYO

PAALALA

SINABI

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with