Ester nakalabas na, isa pang LPA binabantayan
MANILA, Philippines - Nakalabas na kagabi ng Philippine Area of ResÂponsibility (PAR) ang bagyong Ester.
Gayunman, sinabi ni Manny Mendoza, weather forecaster ng PAGASA na sa paglabas nito sa bansa ay lumakas ang taglay nitong hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras.
Bagamat wala na si Ester ay makakaranas pa rin ng mga pag-uulan sa buong bansa laluna sa Batanes, Calayan at Babuyan islands gayundin sa Ilocos, Cordillera at Central Luzon kasama ang Metro Manila dulot ng epekto ng habagat na nasa kanlurang bahagi ng bansa.
Samantala, may panibagong sama ng panahon na binabantayan na nasa bahagi pa lamang ng West Philippine Sea at wala pang epekto sa ating bansa.
- Latest