De Lima, Soliman at Paje, lusot sa CA
MANILA, Philippines - Nakalusot na kahapon sa makapangyarihang Commission on Appointments ang tatlong miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III na sina Department of Justice Secretary Leila De Lima, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky†Soliman, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje.
Nakalusot din sa CA sina Commission on Audit (COA) Commissioners Haydee Mendoza at Jose Fabia.
Halos “unanimous†ang naging boto ng mga miyembro ng CA sa kumpirmasyon ng mga opisyal at tanging si Senator Serge Osmeña III ang nagrehistro ng negatibong boto para kay Paje nang isalang na ito sa plenaryo.
Nauna rito, sa hearing ng (CA) committee on justice kung saan unang nakalusot si De Lima, iginisa siya ni Senator Jose “Jinggoy†Estrada pero kabilang rin ito sa mga bomoto ng pabor sa pagkumpirma sa kalihim.
Lumapit pa si Estrada kay De Lima matapos ang kumpirmasyon sa committee level kung saan sinabi ng senador na naging totoo siya sa kanyang pangako na hindi haharangin ang kumpirmasyon nito.
Sinabi ni De Lima sa isang panayam matapos ang kumpirmasyon sa committee level na karapatan naman ni Estrada na magtanong.
Walang kahirap-hirap ring nakalusot sa CA si Soliman sa gitna ng naging banta ni Senator Miriam Defensor-Santiago na haharangin nya ito.
Absent pa rin si Santiago sa huling araw ng sesyon na magbabakasyon hanggang sa Hulyo 27.
Sa Hulyo 28 magbubukas ang second regular session ng 16th Congress kung saan gagawin ang State of the Nation Address ni PaÂngulong Benigno Aquino III.
- Latest