^

Bansa

‘Sandra, tama na’ – De Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Sandra please enough. Enough please. Tama na yan!”

Ito ang naging apela kahapon ni Department of Justice Secretary Leila De Lima kay Sandra Cam sa gitna ng banta na huli na may ilalabas itong sex video ng kalihim sa sandaling kumpirmahin ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Ginawa ni De Lima ang apela sa isang pana­yam matapos makalusot sa (CA) Committee on Justice.

Sinabi pa ni De Lima na sana ay huminto na ang mga naninira sa kanya lalo yong mga yumuyurak sa kanyang dignidad bilang tao at bilang isang babae.

“Sana huminto na rin yong mga nagtatangka na siraan ako. Sana huminto na rin lalo na yong mga yumurak ng aking dignidad bilang babae,” sabi ni De Lima.

Inamin ni De Lima na kaya niyang salagin lahat ng mga ibinabato sa kanya maliban na lamang kung niyuyurakan na ang kanyang dignidad dahil labis niya itong pinapahalagahan.

Nagiging emosyonal at nagagalit siya ng kapag ang dignidad niya bilang babae ang ginagawang isyu.

“Nagiging emotional po ako pagdating doon at nagagalit po ako ng husto… I’m the type kapag sobrang galit o sobrang emotional ay umiiyak po talaga ako,” sabi ni De Lima.

Pero nang tanungin kung galit ba siya kay Cam, sinabi ni De Lima na hindi siya nagagalit dito lalo pa’t hinala niya ay may mga tao lamang na gumagamit kay Cam.

“Merong tao o mga tao na nasa likod niya. Kaya hindi ako galit kay Sandra.

Idinagdag ni De Lima na mas intresado siyang alamin kung sino ang nasa likod ng pananakot na ginagawa ni Cam pero hindi umano niya ito gagawin sa ngayon.

Tiniyak ni De Lima na kung mayroon mang hawak na sex video si Cam ay tiyak na fake ito.

Pero ipinaalala rin niya kay Cam na sa ginagawa nitong paninira sa kanya ay nakakagawa na siya ng krimen.

CAM

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

LIMA

NAGIGING

PERO

SANA

SANDRA CAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with