'Bilisan niyo, ikulong niyo na kami' – Bong Revilla
MANILA, Philippines – Kahit nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scam, walang balak magbitiw sa puwesto si Senador Ramon “Bong†Revilla Jr.
Sinabi ni Revilla sa kanyang panayam sa dzBB na ayaw niyang magmukhang guilty sa publiko kahit na sinabi ng Office of the Ombudsman na kumubra siya ng P244.51 milyon sa pagkikipagsabwatan kay Janet Lim-Napoles gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund.
“Bakit ako magreresign, paano naman yung ipinagkatiwala sa akin ng 20 milyong (katao) na bumoto sa akin,†wika ng senador. “Kapag naregsign ako, ang dating sa tao guilty ako.â€
Kaugnay na balita: Bong, Jinggoy, Enrile maaaring lumabas ng bansa
Inulan ng batikos si Revilla matapos ang kanyang privilege speech na winakasan niya sa pagpapakita ng music video kung saan pinapakita niya ang mga tinulungang Pilipino habang tumutugtog ang kinanta niyang “Salamat Kaibigan.â€
“(Ang awitin ay) para sa aking mga supporters na bumoto sa akin. Sa mga bashers, hindi ko po kayo masisisi, basta ang hiling ko lamang ay bigyan niyo kami ng pagkakataon na ipagtanggol ang aming sarili,†pahayag ng artistang senador.
“Kahit gaano kasakit ang mga ibinato niyo sa akin, mahal ko pa rin kayo.â€
Kaugnay na balita: Sandiganbayan: P30K piyansa ni Bong, Jinggoy, Enrile
Naging usap-usapan din ang kanyang pamamaalam sa Senado at sa publiko na inakala ng karamihan ay ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
“Yes, nagpapaalam na ako, kasi anytime alam natin na maaaring arestuhin kami at ikulong,†sabi ni Revilla na kasama sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada sa kinakaharap na kaso.â€
“Sabi ko nga bilisan ninyo na, ikulong ninyo na kami.â€
- Latest