Bong, Jinggoy, Enrile maaaring lumabas ng bansa
MANILA, Philippines — Si Justice Secretary Leila de Lima mismo ang nagkumpirma na maaaring makalabas ng bansa ang tatlong senador na sabit sa pork barrel scam.
Sinabi ni De Lima na wala pa namang arrest warrant na inilalabas ang Sandiganbayan laban kina Senador Ramon “Bong†Revilla Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile para sa kasong graft dahil sa pakikipagsabwatan kay Janet Lim-Napoles gamit ang Priority Development Assistance Fund.
Dagdag niya na wala naman siyang kautusan sa Bureau of Immigration na ilagay sa lookout bulletin ang tatlong senador, habang wala rin namang hold departure order laban sa kanila.
Kaugnay na balita: Sandiganbayan: P30K piyansa ni Bong, Jinggoy, Enrile
Naglabas din ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa watch list order kina Revilla, Estrada at Enrile.
Samantala, sinabi ni Estrada na wala siyang planong lumabas ng bansa at handa niyang harapin ang mga kaso.
Nagkita sina De Lima at Estrada sa confirmation ng kalihim sa kanyang puwesto, habang ang senador ay miyembro ng Commission on Appointments panel.
- Latest