^

Bansa

Jinggoy ibinilin na ang maiiwang trabaho

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinilin na kahapon ni Senator Jinggoy Estrada sa mga kasamahang senador ang mga maiiwan niyang trabaho sa Senado sa sandaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbahan upang arestuhin siya kasama sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Sen. Bong Revilla.

Ang trabaho ni Estrada bilang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ay ibinigay niya sa vice chairman ng komite na si Sen. Juan Edgardo Angara.

Inatasan rin ni Estrada si Angara na ipagtanggol ang mga panukalang batas na nakabinbin sa komite. Tinanggap naman ni Angara ang mga ibiniling trabaho sa kanya ni Estrada.

Samantala, ipinagkatiwala ni Estrada kay Sen. Pia Ca­yetano ang pagtatanggol sa panukalang age discrimination bill na naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon ng mga manggagawa dahil sa kanilang edad na ginagawa ring basehan sa pag-a-apply ng trabaho.

Ipinunto ni Estrada na hindi makatarungan na mas nabibigyan ng tiyansa sa pag-aaplay ng trabaho ang mga batang aplikante kaysa sa mga may edad na.

Samantala, pinaboran ni Enrile ang posibilidad na magkaroon ng live coverage sa pagdinig ng kanilang kasong plunder sa Sandiganbayan. Sinabi ni Enrile na mas makakabuti ang nasabing live coverage upang mapanood ng mga mamamayan ang trial at makita nila ang paglabas ng katotohanan.

ANGARA

BONG REVILLA

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

ENRILE

JUAN EDGARDO ANGARA

PIA CA

SAMANTALA

SENATE COMMITTEE

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with