Enrile, Jinggoy, Bong sa Fort Sto. Domingo
MANILA, Philippines - Posibleng makasama ni Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla kung dito rin ikukulong ang tatlong senador na kinasuhan ng plunder at graft dahil sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Sinabi ni PNP-Public Information Office Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, na kabilang ang Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna sa ikinokonsiderang opsyon para pagkulungan nina Enrile, Estrada at Revilla.
Una nang sinabi ni Sindac na inihahanda na ang PNP Custodial Center na pinapinturahan at nirenovate na posibleng paglagyan sa tatlong pork solons. May sukat itong 18 square meters at may sariling banyo at kama pero walang aircon.
Inamin naman ni Sindac na hindi pangmatagalan ang pagkukulong sa mga high profile detainees sa PNP Custodial Center.
Kapag dumagsa ang mga raliyista na mga supporters ng tatlo sa Camp Crame ay ireÂrekomendang ilipat ng kulungan ang mga ito.
Kaya titingnan pa ng PNP ang magiging mga kaganapan sa kaso bago nila irekomenda sa Sto. Domingo ipiit ang tatlong senador.
Magugunita na sa Fort Sto. Domingo rin nakulong si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na naharap sa kasong plunder noong 2001 gayundin si dating ARMM Governor Nur Misuari na kinasuhan naman ng rebelyon sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
- Latest