Sandiganbayan: P30K piyansa ni Bong, Jinggoy, Enrile
MANILA, Philippines – Sa halagang P30,000 kada isang count ng kasong graft ay makakalaya na sina Senador Ramon “Bong†Revilla Jr., Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile, ayon sa Sandiganbayan.
Aabutin si Revilla ng P480,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil sa 16 counts ng kasong graft na isinampa ng Office of the Ombudsman.
Mayroon namang 15 at 11 counts sina Enrile at Estrada na maaaring magbayad ng P450,000 at P330,000.
Kaugnay na balita: Jinggoy, Bong, Enrile, Napoles kinasuhan na sa Sandiganbayan
Nitong Biyernes isinampa ng Office of the Ombudsman ang kaso laban sa tatlong senador sa anti-graft court.
Bukod kina Revilla, Enrile, at Estrada ay kinasuhan din ang itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at ang kani-kanilang mga chief-of-staff.
Ayon sa Ombudsman's Graft Investigation and Prosecution Office kumubra si Revilla ng P244.51 milyon, habang nakakuha sina Estrada at Enrile ng P183.79 milyon at P172.83 milyon, ayon sa pagkakasunod.
Kaugnay na balita: Revilla: Tama na ang away at politika
- Latest