^

Bansa

Posibleng maging bagyo LPA nasa loob na ng PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa loob na ng Philip­pine Area of Res­ponsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) sa hilaga ng bansa.

Ayon kay  Glaiza Escullar, weather forecaster ng PAGASA, pumasok ang LPA ganap na alas-5:00 ng umaga kahapon.

Alas-10 ng uma­ga, ang LPA ay huling na­mataan sa layong 180 kilometro hilaga ng Laoag City.

Sinabi ni Escullar na ang naturang LPA ay nagdudulot  ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Bataan at Zambales.

Aniya, posibleng ma­ging bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras ang nasabing LPA.

Kapag naging bagyo ito ay tatawaging Ester at ikalimang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.

Maaliwalas naman ang panahon sa  Metro Manila pero asahan na ang mga pag uulan laluna sa hapon at gabi.

 

ANIYA

AREA OF RES

AYON

CAGAYAN VALLEY

GLAIZA ESCULLAR

ILOCOS REGION

LAOAG CITY

LOW PRESSURE AREA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with