7 GOCC’s nagpasok ng P32.31-B sa gobyerno
MANILA, Philippines - Pitong Government Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) ang nagpasok ng umaÂbot sa P32.31 bilyon na dibidendo sa gobyerno na kanilang kinita nitong 2013.
Pinasalamatan ni PaÂngulong Benigno Aquino III ang mga GOCC’s sa kontribusyon nila sa gobÂyerno upang tustusan pa ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.
“Winakasan na po natin ang kultura ng hokus-pokus at palakaÂsan sa GOCC’s, talaga nga pong malayo na ang ating narating sa ating paglalakbay sa tuwid na landas,†wika pa ni PaÂngulong Aquino.
Ang mga miyembro ng billionaires club sa taong ito ay ang Philippine Deposit and Insurance Corporation (PDIC)-P1.05 bilyon; Philippine Ports Authority (PPA)-P1.42 bilyon; Philippine National Oil Company-Exploration Corporation-P1.5 bilyon; Manila International Airport Authority (MIAA)-P1.58 bilyon; Bases Conversion Development Authority (BCDA)-P2.108 bilyon; Power Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM)-P1.5 bilyon; Development Bank of the Philippines (DBP)-P3.62 bilyon; Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor)-P4.093 bilyon at Land Bank of the Philippines (LBP)-P6.3 bilyon.
Binigyan naman ng pagkilala ng GoverÂnance Commission ang mga GOCC’s na Duty Free Philippines Corporation, Philhealth, Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), PAG-Ibig fund at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa naging tulong nito sa gobyernong Aquino.
Tinanggap ni Pangulong Aquino ang kabuuang dividends at remittance ng 49 GOCC’s sa gobyerno para sa 2013 na may kabuuang P32.31 bilyon na mas mataas kumpara sa dividends noong 2012.
- Latest