3 Senador, no VIP sa kulungan – PNP
MANILA, Philippines - Hindi bibigyan ng VIP treatment sina Senador Juan Ponce Enrile, Ramon Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada at iba pa sa oras na arestuhin na ang mga ito at ikulong sa Camp Crame matapos kasuhan ng plunder sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay Chief Supt. Reuben TheoÂdore Sindac, sa isang ordinarÂyong selda lamang ilalagay ang mga maarestong high profile personalities na sangkot sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles gaya ng tatlong nabanggit na Senador.
Kasabay nito, binuo na ang medical team na siyang susuri sa kondisÂyon ng tatlong Senador sa sandaling maipalabas na ang warrant of arrest laban sa mga ito, arestuhin at dalhin ang mga ito sa Camp Crame.
Ayon kay Sindac, kung ano ang pagtrato sa mga ordinaryong kriminal ay ganito rin ang mararanasan nina Enrile, Jinggoy at Revilla sa oras na ikulong na ang mga ito sa PNP Custodial Center.
Aniya, wala silang inilalaang special na selda para sa tatlo, maging sa iba pang sangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.
Sinabi ni Sindac na ang ordinaryong selda sa PNP Custodial Center ay may isa lamang higaan, isang electric fan, lavatory at wala itong flush.
Inamin rin ng opisyal na tapos na ang isinagawang renovation sa PNP Custodial Center para sa mga high profile deÂtainees na ininsÂpeksyon na ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas noong Sabado.
Kaugnay nito, sinabi naman ni PNP Health Service Director P/Chief Supt. Alejandro Advincula na nakahanda na ang kanilang tanggapan para sa kakailanganing medical examinations ng tatlong Senador at iba pang mga kasamahan nitong akusado sa pork barrel scam.
Ayon kay Advincula, bahagi ng Standard OpeÂrating Procedure na isailalim sa pagsusuring medikal ang sinumang akusado bago ikulong.
Inihayag nito na nakahanda na ang binuong team ng kanilang tanggapan na kinabibilangan ng isang medical doctor, isang nurse at isang assistant para tumingin sa kondisyon ng kalusugan ng mga kinauukulan.
Sinasabing si Revilla ay nakinabang umano ng P224.5 M sa pork barrel scam, P172.83-M si Enrile at P 183 M naman si Jinggoy.
- Latest