Revilla: Tama na ang away at politika
MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Ramong “Bong†Revilla Jr. ngayong Lunes para sa pagkakaisa ng gobyerno.
Hinamon ni Revilla si Pangulong Benigno Aquino na pag-isahin ang bansa na pinaghiwalay ng kontrobersya ng pork barrel scam .
"Tama na po ang awayan. Tigilan na ang politika ng paghihiwalay," wika ng senador sa kanyang privilege speech.
"Lead this country not with hatred but with love. Lead the country with unity and not partisanship. Push our nation's interest and not political agenda."
Sinabi ni Revilla na maraming pangalan na ang nasira dahil sa pork barrel scam at hinikayat si Aquino na pagtuunan na lamang ng pansin ang iba pang problema ng bansa.
"Napakarami na pong mga tao ang nabanggit sa usaping PDAF. Napakarami na pong nasasaktan. napakarami nang nasira ang buong pagkatao dahil sa pagbato ng putik," sabi ni Revilla.
"Jailing your oppositors should not be the only achievement and legacy you will be leaving behind."
Kinasuhan na ng Office of the Ombudsman si Revilla nitong Biyernes sa Sandiganbayan kung saan kumita umano ang senador ng P224 milyon sa pakikipagsabwatan kay Janet Lim-Napoles.
Iginiit ni Revilla na siya ay inosente at sinabing handa niyang depensahan ang sarili sa korte.
- Latest