^

Bansa

Special courts sa kasong plunder aprub sa Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor ang Malacañang sa pagtatayo ng special courts na didinig sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel fund scam kung ito ang paraan upang mapabilis ang pagresolba sa mga kasong kinakasangkutan ng mga mambabatas na sabit sa scam.

Ayon kay Deputy Pre­sidential spokesperson Abigail Valte, wala silang nakikitang problema sa pagbuo ng special courts ng Supreme Court na ang tanging gagawin ay dinggin ang mga kasong katiwalian partikular ang P10 bilyong pork barrel fund scam.

Umaasa silang anu­mang magiging desisyon ng korte ay magiging daan para sa pagpapabilis ng pag-usad ng kaso.

Pero nilinaw din ni Valte na ipinauubaya nila sa SC ang pagdedesisyon kaugnay sa panukalang magtayo ng dalawang special courts.

Nauna rito, hiniling ng Ombudsman sa SC noong Biyernes ang pagbuo ng dalawang Special Divisions ng Sandiganbayan na didinig sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel fund scam.

Noong Biyernes din sinampahan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng plunder at graft charges sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.

ABIGAIL VALTE

BONG REVILLA

DEPUTY PRE

JINGGOY ESTRADA

NOONG BIYERNES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SANDIGANBAYAN

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SPECIAL DIVISIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with