General tiwalang lalabas ang totoo sa AK-47 rifles
CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines - - Iginiit kahapon ni Chief Supt. Raul PetraÂsanta na lalabas din ang katotohanan kaugnay sa isyu ng mahigit 1,000 nawawalang AK-47 assault rifles.
Sinabi ni C/Supt. Petrasanta, mananatiling nakatuon ang kanyang atensyon sa trabaho bilang regional director ng PNP sa Central Luzon.
“I choose to remain focused on my duties here in Central Luzon than aggravate the situation. We will have our day in court and I am confident that the truth will come out. More importantly, I do not want our commander in chief, President Aquino to think that there is an ensuing ‘media war’ as this case is blown out of proportion. Also, I refuse to fan the flames pitting me against some PNP officials. This is not the time for service politics and grandstanding,†pahayag pa ni Petrasanta.
Magugunita na kabilang si Petrasanta sa 5 heneral na kakasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa sinasabing nawawalang 1,004 piraso ng AK 47 rifles na ibinenta raw sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Kasama rin sa kakaÂsuhan sina P/Chief Supt. Tomas Rentoy; P/Chief Supt. Regino Catiis; P/Senior Supt. Eduardo Acierto Jr.; ret. Police Director Gil Meneses; ret. Director Napoleon Estilles at 10 pang sibilyan.
Ginamit umano ng NPA ang negosyanteng si Isidro Lozada para mabili ang libong AK-47 sa isang gun shop sa Butuan City.
Natukoy din sa imbestigasyon na ang Twin Pines Inc., isang lisensyadong importer ng mga armas at spare parts nito gayundin ang mga bala at shooting accessories ang nagbenta ng nawawalang AK-47 at M16 armalite rifles sa JTC Mineral Mining Corp. na nag-ooperate sa Caraga Region.
- Latest