^

Bansa

Ex-MRT 3 chief napaluha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaluha ang dating hepe ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) na si Atty. Al Vitangcol III sa isang TV commentary program nang kapanayamin kung paano siya naalis sa puwesto kamakailan lang.

“I felt betrayed and disappointed,” napaluhang sinabi ni Vitangcol.

Kuwento ni Vitangcol sa TV host na si Winnie Monsod sa programang “Bawal ang Pasaway”, nag-ugat lamang umano sa lumabas na artikulo sa kolum na may kamag-anak siyang nakakuha ng kontrata sa proyekto sa MRT 3. May ilang kausap daw siya mula sa gobyerno na nagmungkahi na magbitiw siya sa tungkulin nang tahimik. Pero ‘di pa aniya tapos ang araw, nalaman na lamang niya na wala na siya sa puwesto.

Aniya pa, pumasok siya sa gobyerno sa pagnanais na magsilbi at maunawaan kung paano magtrabaho ang gobyerno. Napasok lang daw siya dahil sa rekomendasyon ng isang propesor niya kay noon ay DOTC secretary Mar Roxas. Wala siyang patron o taga-suporta gaya ng kadalasang nangyayari. At isa lang daw ang empleyadong kanyang ipinasok sa MRT3, ang kanyang executive assistant.

“Wala akong ninakaw na pera, at marami akong natipid para sa gobyerno,” ayon kay Vitangcol, kabilang na rito ang pagbili ng bagon para sa MRT3 na dati ay $3 million kada unit at naibaba niya sa $1.8 million lang. Napakabitan din ng CCTV ang MRT3 sa halagang wala pang P5 million gayong sa ibang ahensiya, ito ay umaabot ng P50 million.

Wala rin daw siyang luho sa opisina. Katunayan daw ay siya ang nagbabayad ng taunang rehistro at insurance ng kotseng nakatoka sa kanya dahil walang budget para dito ang MRT3.

Sa kabila ng sama ng loob, naniniwala si Vitangcol na dapat pumasok sa gobyerno ang mga taong nais magkaroon ng pagbabago sa serbisyo publiko.

AL VITANGCOL

ANIYA

BAWAL

MAR ROXAS

METRO RAIL TRANSIT

SIYA

VITANGCOL

WALA

WINNIE MONSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with