^

Bansa

Live presscon coverage sa SC bawal na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagbawal ng Korte Suprema ang live coverage ng mga press conference nito.

Kahapon ang unang araw ng deliberasyon ng Supreme Court En Banc matapos ang isang buwang pamamahinga o recess ng mga mahistrado at inasahan ng mga mamamahayag na may malalaking isyu na natalakay sa agenda.

Ngunit bago pa man magsimula ang press briefing ay ipinatanggal ng isang staff ng SC Public Information Office ang lahat ng mga kable.

Ipinarating pa ng PIO staff na hindi raw bababa si SC-PIO chief Atty. Theodore Te para simulan ang press briefing hangga’t hindi natatanggal ang kable para sa live feed.

Ikinagulat naman ng media ang nasabing hakbang ni Te dahil madalas namang naeere ng live ang mga press briefing sa Korte Suprema.

Ipinaliwanag ni Te na hindi naman talaga naka­gawian ng korte na iere ng live ang mga proceedings nito at kabilang dito ang press conference.

Ngunit sa panig ng mga mamamahayag na naka-assign sa Supreme Court, mainam na mabigyang linaw na ang “press briefing” ay hindi maituturing na court proceedings dahil wala namang kaso na nililitis, wala ring hukom, wala ring akusado o defendant at wala ring prosekusyon na umuusig.

vuukle comment

IKINAGULAT

IPINALIWANAG

KORTE SUPREMA

NGUNIT

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SUPREME COURT

SUPREME COURT EN BANC

THEODORE TE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with