QC Museum bubuksan
MANILA, Philippines - Bubuksan na ang QC museum na kagigiliwang puntahan ng publiko partikular ng mga taga QC bilang isang pambihirang lugar na pasyalan mula ngayong taon.
Sa kanyang ulat kay QC Mayor Herbert M. Bautista, sinabi ni Vice Mayor Joy Belmonte sa isang executive meeting na ang QC museum na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle ay bubuksan na sa publiko sa Oktubre ngayong taon kasabay ng pagdiriwang sa diamond jubilee ng QC.
Ayon kay Belmonte, ang QC museum ay kakikitaan ng iba’t ibang galleries at sections ng ibat ibang themes na magpapaalala sa kasaysayan, tradisyon at aspirations ng lunsod.
Ipinapaalala din nito sa mga bibisita kung paano nadevelop ang QC at ang mga hangarin ng lunsod sa hinaharap.
“QC museum will attract not only children but also adults. Hindi magiging boring ang pagbisita ng pupunta sa QC museum natin dahil inter-active ito para lang silang naglalaro. Ang kaibahan lang nito marami silang makukuhang kwento at aral pagkatapos,†dagdag ni Belmonte.
Sa museum ay makikita din ang kasaysayan ng “White Lady at Balete Drive,†the “Grandfather Clock,†at iba pang urban legends na higit na kagigiliwan ng mga kabataan na tutungo dito.
- Latest