^

Bansa

Red tide sa Bataan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bu­reau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hanguin, ibenta at kainin ang shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan na mula sa baybayin ng Bataan.

Ito ayon kay BFAR Chief Asis Perez ay dahil mataas ang lason ng red tide sa naturang baybayin.

Partikular na ban na kainin ang tahong mula sa mga bayan ng Mari­veles, Limay, Orion, Pilar, Abucay, Samal, Orani at Balanga City sa lalawigan ng Bataan.

Base sa mga samples ng tahong at talaba na nakuha sa nabanggit na baybayin ay nadiskubre nilang lubhang napa­kataas ng level ng red tide toxin sa mga shellfish kayat mapanganib ang mga itong kainin.

Gayunman, ligtas naman anyang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na hinango sa naturang mga lugar bastat ito’y sariwa at lilini­sing mabuti bago lutuin at kainin.

ABUCAY

BALANGA CITY

CHIEF ASIS PEREZ

FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

GAYUNMAN

IPINAGBABAWAL

LIMAY

MARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with