Mga scientists sa bansa naglalayasan na rin
MANILA, Philippines - Hindi lamang ang mga kawani ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lumalayas sa bansa kundi maging mga scientists ng Department of Science and Technology (DOST).
Lumabas sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Science and Technology na pinamumunuan ni Senator Ralph Recto na maraming scientist na nasa ilalim ng DOST ang umaalis na rin sa Pilipinas dahil mas mataas na sahod ang natatanggap nila sa ibang bansa.
Maging ang mga technical personnel ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Advanced Science and Technology Institute (ASTI) ay mas pinipili na ring mag-abroad.
Nasa 32 empleyado na ng PAGASA, na halos mga forecaster ang nag-abroad simula pa noong 2010.
Inamin ni PAGASA officer-in-charge Director Vicente Manalo na kabilang sa mga dahilan ang delay sa mga benepisyo.
Kaugnay nito, inihayag ng Budget Department na kahit na may sapat na pondo ang gobyerno, natatagalan ang pagbibigay ng haÂzard pay dahil kailangan pang tukuyin ang antas ng hazard exposure ng bawat empleyado.
Iginiit ni Recto na isama sa isinusulong na PAGASA Modernization Bill ang pagbibigay ng 30% hazard pay para sa mga Science and Technology personnel.
- Latest