Dagdag buwis sa mga doktor pinigil ng SC
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema na pumipigil sa regulasyon ng pagbabayad ng buwis ng mga doktor.
Nakaiskor ang mga doktor laban kay Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares matapos harangin ng mga mahistrado ang Revenue Regulation 4-2014 na nag-oobliga sa mga doktor na taun-taong magsumite ng affidavit na nakalagay ang kanilang rates, paraan ng billing o paniningil at basehan ng kanilang service fee, irehistro ang official appointment book na nagÂlalaman ng pangalan ng mga kliyente at petsa ng meeting.
Ang kautusan ng SC ay kasunod ng motion for intervention na inihain ng Philippine College of Physicians.
Una na ring nagpalabas ng TRO ang SC sa apela ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na pigilan ang naturang revenue regulation na pinalabas ng Department of Finance at BIR na nag-aatas sa kanila na ideklara ang singil, magpalabas ng resibo at maging ang pagkakakiÂlanlan sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng indefinite temporary restraining order.
Ayon sa IBP, unconsÂtitutional at labag din sa pamantayan ng SC ang nasabing kautusan.
- Latest