Pagsasauli ng kinita ni Napoles: Ombudsman na bahala - Malacañang
MANILA, Philippines — Ipinaubaya ng Palasyo sa Office of the Ombudsman kung kailangang ibalik ni Janet Lim-Napoles ang mga umano'y kinita sa pork barrel scam.
"It is only the Office of the Ombudsman that is clothed with the authority to recommend to the Sandiganbayan any action on [such] matters," pahayag ni Presidential Communication Operations Office head Herminio Coloma Jr. ngayong Martes.
"Dapat pong igalang natin ang pagiging indipindyente ng Office of the Ombudsman sa pagpapasya hinggil sa mga bagay na 'yan.â€
Kaugnay na balita: Walang 'red book' – Napoles
Sinabi kagabi ng abogado ni Napoles na si Stephen David na handang ibalik ni Napolesa ng P2 bilyon na kinita niya sa P10-bilyon pork scam.
Pero hindi aniya ito magagawa hangga't naka-freeze pa ang mga ari-arian ng negosyante.
Si Napoles ang itinuturong mastermind sa pork scam, ngunit sinabi niyang biktima siya ng isang sistema.
Umabot sa 20 senador, at 100 kongresista ang idinawit ni Napoles sa kanyang salaysay na namuhunan at kumita umano sa paglagak ng kani-kanilang Priority Development Assistance Fund sa mga peke niyang non-government organization.
- Latest