^

Bansa

Medical marijuana, malabo sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malabong umusad sa Kamara at maisabatas nga­yon 16th Congress ang panukalang medical marijuana dahil sa posibleng maabuso pa ang paggamit nito.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., hindi na dapat pang pumasa at gawing legal ang paggamit ng marijuana  dahil nakakapagpabago ito ng takbo ng pag iisip ng isang tao.

Paliwanag pa ni Belmonte, hindi sapat ang mahigpit na regulasyon sa ilalim ng House Bill 4477 na inihain ni Isabela Rep. Rodito Albano III bago magamit ng isang pasyente ang medical marijuana.

‘Naka-hang’ ngayon ay wala pang nakukuhang suporta sa Kamara ang panukala ni Albano dahil sa umanoy risk factor ng paggamit nito.

Para naman kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Deputy Speaker Giorgidi Aggabao at Marikina City Rep. Marcelino Teodoro , mapanganib ang paggamit ng medical marijuana at umanoy mas mabigat kumpara sa medical intention ng panukala.

Nangangamba ang naturang mga mambabatas dahil walang kakayahan ang gobyerno na ipatupad ang mahigpit na regulasyon kapag pinayagan ang paggamit ng medical marijuana.

 

DEPUTY SPEAKER GIORGIDI AGGABAO

HOUSE BILL

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

IFUGAO REP

ISABELA REP

KAMARA

MARCELINO TEODORO

MARIKINA CITY REP

RODITO ALBANO

TEDDY BAGUILAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with