‘Inferno Express’ ipagbabawal sa QC
MANILA, Philippines - Napipintong ipagbawal sa Quezon City ang mga UV Express na maiinit dahil sa wala o sirang aircon matapos itong ireklamo ng mga commuter kay Councilor Karl Castelo.
Nakatakdang maghain si Castelo ng panukalang batas upang hulihin ang mga tinagurian niyang ‘inferno express’ sa lungsod dahil na rin sa panganib na dulot nito sa mga pasahero partikular ang mga senior citizen, kababaihan, at mga bata.
Nauna nang inireklamo ang mga UV Express na ubod ng init dahil ang mga ito ay may mahihina o hindi gumaganang aircon. Reklamo ng mga pasahero, nagbabayad sila ng mahal sa mga nabanggit na pampublikong sasakyan upang malamig at maginhawa ang kanilang pagbiyahe ngunit may mga unit na parang impyerno sa init na posibleng ikamatay ng pasahero.
“You can just imagine how hot it is inside these closed vehicles with defective aircons during the hottest part of the day and the passengers could not do anything but to endure the deadly heat until they reach their destinations,†wika ni Castelo.
Nangangamba si Castelo dahil umaabot sa 39 degrees ang temperatura sa ibang bahagi ng bansa ngayong tag-init at hindi malayong ma-heat stroke ang mga pasahero ng UV Express na walang aircon habang nasa biyahe.
Ani Castelo, may kaÂrampatang parusa para sa mga operator at drayber ng UV Express na lalabag sa ordinansa.
- Latest