^

Bansa

Pinay at Chinese na dinukot sa Malaysia pinalaya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang buwan, pinalaya na ang Pinay at Chinese na dinukot ng bandidong Abu Sayyaf sa Semporah, Sabah, Malaysia noong Abril 2.

Sinabi ni PNP Task Force Sulu Commander Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na pinakawalan nitong Biyernes sina Marcy Dayawan, 40, Pinay resort cashier; at Gao Huayuan, 29, turista, sa Jolo, Sulu.

Dinukot ang dalawa ng mga armadong Sayyaf sa Singamata Reef Resort sa Sabah at itinago sa Sulu.

Alas-10:25 ng umaga nang pakawalan ang mga bihag sa Sitio Kahoy Sinah, Brgy. Tanduh Pugot, Sulu.

Bandang alas-5 naman ng hapon ng nasabi ring araw ng makabalik na sa Sabah, Malaysia ang dalawang bihag at makasama ang kanilang mga pamilya sa tulong ng Royal Malaysian Police.

Ayon kay Cruz, walang kapalit na ransom ang pagpapalaya sa dalawang bihag bagama’t unang nag-demand ng P500 milyon para sa kalayaan ng turistang Chinese. “No ransom we’re paid. We don’t have ransom policy and also the Malaysian government,” ani Cruz.

 

ABU SAYYAF

AGRIMERO CRUZ JR.

CRUZ

GAO HUAYUAN

MARCY DAYAWAN

PINAY

ROYAL MALAYSIAN POLICE

SABAH

SINGAMATA REEF RESORT

SITIO KAHOY SINAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with