^

Bansa

2,000 pamilya nagpatulong kay PNoy vs demolisyon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Takda nang idemolis ng Philippine Army Task Group Bantay ang mga bahay ng may 2,000 pamil­ya sa Katipunan Village, Sitio Masagana, Sitio Masigasig, Sitio Maliwanag at Sitio Matatag  sa Western Bicutan, Taguig sa Lunes, Hunyo 2.

Ang mga apektadong residente ay pawang mga aktibo  at retiradong kawal ng Armed Forces of the Philippines kasama ng kanilang mga pamiya.

Dahil dito, humihingi ng tulong ang mga resi­dente kay Pangulong Aquino para mapigilan ang napipintong pagdemolis sa kanilang mga tahanan.

Nanawagan sila sa Pangulo na manghimasok sa kanilang problema dahil ang nakaambang demolisyon ay paglabag din sa mismong covenant ni Pangulong Aquino at Interior Secretary Mar Roxas sa Urban Poor Alliance (UP AII) na nagsasaad ng moratorium sa mga demolisyon.

Iginiit ng mga residente na iligal ang gagawing demolisyon dahil nilalabag nito ang Section 28 ng Republic Act 7279 o ng Urban Development and Housing Act (UDHA) at ng Executive Order 708 kabilang ang kawalan ng nasusulat na 30-araw na abiso sa kusang loob na pagbaklas at paglisan; hindi pagsasagawa ng di-bababa sa tatlong beses na konsultasyon sa mga apektadong pamilya; walang writ of execution/demolition; walang certificate of compliance; walang relokasyon at kawalan ng pre-demolition conference. 

“Kami pong mga residente ng lugar ay nakapagsilbi naman sa bayan. Marami po sa amin ay kung hindi man retiradong kawal ay mga aktibong sundalo sa kasalukuyan kaya’t huwag naman po sana kaming tratuhin na parang mga hayop ng Philippine Army Task Group Bantay,” pahayag pa rin ng nagkakaisang residente.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

EXECUTIVE ORDER

INTERIOR SECRETARY MAR ROXAS

KATIPUNAN VILLAGE

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE ARMY TASK GROUP BANTAY

REPUBLIC ACT

SITIO MALIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with