^

Bansa

Czech firm nag-sour graping

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng masama lamang umano ang loob  ng Czech company na Inekon kaya inaakusahan ng pangingikil ng mga ito si dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol dahil hindi nila nakuha ang kontrata.

Ito ang paniniwala ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na miyembro rin ng House Committee on Good Government kaugnay sa kinakaharap na extortion issue ni Vitangcol sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT.

Sa ginanap na pag­dinig sa Kamara kaugnay sa MRT extortion issue ay mismong si Transportation and Communications Sec. Jun Abaya na umano ang nagsabi na walang naganap na extortion bukod pa sa wala namang direktang ebidensya na mag-uugnay sa kanya.

Giit ni Erice, nagsa-sour graping lamang si Czech Ambassador Josef Rychtar sapagkat hindi natuloy ang kontrata para sa pagsusuplay ng mga bagong bagon.

Kung tutuusin umano ay dapat na batiin pa si Vitangcol pagkat hindi nito pinasok ang kontrata sa Inekon na napakataas ng presyo ng bagon na aabot sa 3.3 million dollars kada isa, samantalang ang talagang presyuhan aniya ng mga bagon ay 1.8 million dollars lamang kada isa.

Kaugnay nito, sinabi ni Erice na pag-aaralan n’ya ang mga nakaraang kontrata ng Inekon sa MRT upang makita kung mataas din ang benta nito.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY REP

CZECH AMBASSADOR JOSEF RYCHTAR

EDGAR ERICE

GENERAL MANAGER AL VITANGCOL

GOOD GOVERNMENT

HOUSE COMMITTEE

INEKON

JUN ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with