Palasyo pabor sa 3-day school week
MANILA, Philippines - Pabor ang MalaÂcañang sa panukalang 3-day school week ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma, mismong Department of Education (DepEd) at mga school superintendents ang nagpanukala nito upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Inamin din ng Palasyo na ginagawan ng paraan ng DepEd ang problema sa kakulangan sa classroom dahil na rin sa pagÂlobo ng mga mag-aaral na mas piniling pumasok sa mga pampublikong paaralan dahil sa hirap ng buhay kaysa ipasok ang kanilang mga anak sa private schools.
Iginiit ng Malacañang na walang kakulangan sa text books ang DepEd pero lumitaw muli ang kakulangan sa classrooms dahil sa paglobo ng mga enrollees sa mga public schools sa bansa.
- Latest