^

Bansa

Agarang inspeksiyon sa transportation firms hirit

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinanukala kahapon ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz ang agarang inspeksyon sa mga kum­panya ng transportasyon sa buong bansa para higit na masiguro ang kaligtasan ng milyun-milyong estudyante na magbabalik-eskwela na sa isang linggo.

Nanawagan si dela Cruz sa Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) at lahat ng ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pampubli­kong transportasyon na maglabas na sa publiko ng kanilang ginagawang paghahanda para sa kaligtasan ng mga estudyanteng pasahero sa pasukan.

“Hindi na dapat maghintay ang LTFRB ng isa pang malagim na aksidente at pagkamatay ng maraming pasahero bago nila ipabatid sa sambayanan kung anong mga kumpanya ng sasakyang pampubliko ang hindi nila dapat sakyan.

Ipinaalala niya na ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang dalawang bus ang madugong naaksidente, kabilang na ang isa na nahulog mula sa Skyway sa Metro Manila na ikinamatay ng humigit-kumulang 20 pasahero,” ani dela Cruz.

Dapat ding magpaliwanag si LTFRB Chairman Winston Ginez sa napaulat na mala-kaprityosong pagbibigay ng ahensya ng mga prangkisa at special permit na may iba-ibang petsa ng pagkabisa kahit na dapat ay hanggang 10 araw lamang sa ilalim ng batas.

Dahil dito, lalong duma­rami ang mga sasakyang colorum na nagiging dahi­lan ng ‘di makatwirang pag­sisikip sa mga kalsada, ayon kay dela Cruz.

ABAKADA REP

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

CRUZ

DAHIL

DAPAT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

IPINAALALA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with