Pag-audit sa mga ahensiya ng pamahalaan, isinulong
MANILA, Philippines - Isinulong kahapon ni ABAKADA Rep. Jonathan dela Cruz ang isang agaran, tunay at masusing pag-audit ng mga taga pribadong sektor hangga’t maari, ng lahat ng mga ahensya o tanggapan ng goberyno na may responsibilidad sa pagbibigay ng tulong at sa rehabilitasyon sa mga biktima ng kalamidad sa buong bansa.
Ang pag-audit hindi lamang sa kanilang mga pondo kundi pati na ng kanilang mga nagawa o ginagawa sa kanilang mga tungkulin.
Ayon kay Dela Cruz, mula sa tanggapan ni Pangulong Aquino pababa sa lahat ng departamento o ahensiya ng gobyerno na may papel na dapat gampanan sa muling pagbangon ng mga biktima ng mga kalamidad, tulad ng super bagyong Yolanda.
Pinuna ni Dela Cruz na hindi nauubusan ang gobyerno ng press release na nagsasabing daan-daang milyon o bilyun-bilyon na ang nailalabas na pondo para sa ganun o ganitong proyekto, o para sa tulong sa mga biktima ng mga trahedya.
Aniya, wala namang makitang resibo o kahit na anong dokumento na makakapagpatunay na ang pera ay ginastos nga sa mga biktima.
Binigay na halimbawa ni Dela Cruz ang deklarasyon ni Budget Sec. Butch Abad na P32 bilyon na ang nagagastos para sa mga sinalanta ni Yolanda pero walang partikular na binanggit na lugar o sambayanan o proyekto na makikinabang sa pondo.
- Latest