Nob. 23 idineklarang Press Freedom Day
MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara bilang Philippine Press Freedom Day sa kada ika-23 ng buwan ng Nobyembre.
Base sa House Bill 4128 na iniakyat sa plenaryo ng House Committee on Public Information na substitute bill naman sa panukala nina Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at Christopher Co.
Ayon kay Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte. Chairman ng Public Information Committee, layunin ng panukala na i-promote at pangalagaan ang kalayaan sa pamamahayag para maiulat ng mga journalist ang buong katotohanan sinuman ang masaktan o masagasaan nito.
Nais din ng panukala na bigyang pagkilala ang kahalagahan ng kalayaan ng pamamahayag sa bansa.
Para naman kina Rep. Batocabe at Co, dapat na magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko sa bagay na ito dahil kahit ang Pilipinas ang isa sa may pinakamalayang mamamahayag sa buong Asya ay nababahiran ang record na ito ng maraming kaso ng pagdukot at pagpatay sa mga journalists.
Ang petsang Nobyembre 23 ang napiling ipadeklarang press freedom day dahil ito ang itinuturing na pinakamaÂdugong araw para sa sektor ng pamamahayag sa bansa matapos na mangyari ang Maguindanao massacre case noong 2009 kung saan mahigit sa 30 mamamahayag ang pinatay.
- Latest