^

Bansa

Kaya raw dinugo: Napoles nainsulto sa sex issue

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakainsulto! 

Ito ang ginawang pagpalag kahapon ng kampo ni Janet Lim-Napoles, ang umano’y mastermind sa P10 bilyong pork barrel scam kaugnay ng mga espekulasyon na naki­pag-sex ito matapos na operahan sa matris kaya nagkaroon ng pagdurugo sa ari.

Sa isang radio interview, sinabi ni Atty. Bruce Rivera, legal counsel ng akusado, imposible ang nasabing haka-haka na aniya’y sobrang malis­yoso.

“Naiinsulto si Janet sa insinuation na nakikipagtatalik siya... Paano mo ‘yan ilalagay sa kondis­yon niyang ‘yun na pagod na pagod siya kakagawa ng affidavit plus sa sitwasyon niya sa ospital? Ang hirap magkaroon ng privacy doon,” ayon kay Rivera.

Iginiit ni Rivera na 24/7 ang pagbabantay ng mga pulis at labas masok ang mga nurse at doktor sa kuwarto ni Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak).

“Napakamalisyoso po ng idea na may sex involved. It’s really demeaning on her part,” banat pa ng abogado sabay sabing bawal din ito sa ospital.

Ayon kay Rivera, nag­kamali lamang ng interpretasyon ang mga kinauukulan sa sinabi ng doktor ni Napoles sa pagdinig kahapon sa korte upang mapalawig pa ang pananatili ni Napoles sa pagamutan.

Matatandaan na naunang sinabi ng gynecologist ni Napoles na si Dr. Efren Domingo na posib­leng “private, intimate contact” ang dahilan ng pagdurugo ng pasyente.

Pero nilinaw naman ni Dr. Domingo na hindi nakipagtalik ang pork barrel scam queen at natanong lamang umano siya sa posibleng sanhi ng pagdurugo kaya nabuksan ang isyu.

Ayon naman kay Rivera, ang naturang akusasyon ay paninira lang sa kredibilidad ni Napoles.

Pumalag din ang abogado ni Napoles hinggil sa lumabas na litrato na tumatawa ito habang naka-confine sa OsMak.

Nilinaw ng abogado nito na kuha ang litrato nang dumalaw ang kanyang ina kay Napoles sa ospital bago umuwi ng Amerika. Malisyoso umano ang ginawang paglalagay ng picture ni Napoles sa pahayagan.

Magugunita na pinagbigyan ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda na hindi muna mailipat si Napoles sa kaniyang kulungan sa Fort Sto. Domingo dahil sa kalagayan nito.

Sinabi naman ni PNP spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor na hinihintay na lamang nila ang go signal ng korte upang maibalik muli si Napoles sa detention facility nito sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna at anumang oras ay handa ang kapulisan.

AYON

BRUCE RIVERA

DOMINGO

DR. DOMINGO

DR. EFREN DOMINGO

FORT STO

NAPOLES

RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with