Mayor Bayron kumpiyansang mababasura ang recall petition
MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron na pagtitibayin ng Commission on Elections (Comelec) ang prinsipyo ng pagiging patas at integridad at ibabasura ang election recall petition na isinampa laban sa kanya ni dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn.
Naniniwala si Bayron na mananaig ang kagustuhan ng mga mamamayan ng Puerto Princesa na ipinahayag ng mga ito sa 2013 local elections nang lumamang siya ng mahigit sa 10,000 boto laban sa kanyang nakatunggali na si Ellen Hagedorn, maybahay ni Edward.
Kasabay nito, nagpahayag nang pagdududa si Bayron sa authenticity ng lagda ng mga botante na nakalagay sa recall petition na inihain laban sa kanya sa poll body.
Aniya,marami umanong botante, na sinasabing lumagda sa petisyon, ang kumausap sa kanya at nilinaw na pineke lamang ang kanilang pirma.
Matatandaan sa pamamagitan ng Resolution 9864 ay inaprubahan ng Comelec noong Abril ang recall petition na supisyente ng porma pero naka-pending ngayon dahil sa kakulangan ng sapat na pondo.
Sa ilalim ng procedure sa recall elections, matapos na maideklarang sufficient in form ang isang petition ay kinakailangang beripikahin ng Comelec kung genuine ang mga lagdang naroroon.
Naniniwala si Mayor Bayron na ang tunay na motibo sa likod ng recall petition laban sa kanya ay upang pagtakpan lamang ang mga umano’y anomalÂya sa nakalipas na admiÂnistrasyon.
- Latest