PNoy, pinuri ang pagsulong at mga tagumpay ng Albay
DARAGA, Albay, Philippines - – Pinuri ni Pangulong Benigno Aquino ang pagsulong at mga tagumpay ng Albay sa larangan ng edukasyon, climate change adaptation and disaster risk reduction, turismo, imprastraktura, ekonomiya at laban sa kahirapan. Nangako siya ng ibayong suporta sa lalawigan.
Pinangunahan ni Aquino ang pasinaya kamakailan sa bagong College of Medicine ng Bicol University (BU) dito. Kauna-unahang medical college ito sa Kabikulan na ayon sa Pangulo ay tugon sa pangangailaÂngang kasanayan ng mga kabataan na magbibigay sa kanila at sa lalawigan ng magagandang pagkakataon.
Naging panauhin din ang Pangulo sa katatapos na tatlong global confeÂrences ng United Nations World Tourism Organization na idinaos sa Albay na umani rin ng papuri dahil sa “global gold standard hosting†nito.
Ang BU College of Medicine (BUCM) complex ay paunang binubuo ng dalawang bagong health science buildings. Ang naturang proyekto ay magkatuwang na pinasimulan at isinulong nina Albay Gov. Joey Salceda at BU president Faye Lauraya. Nangako si PNoy ng karagdagang P24 million para makumpleto ito.
“Kaya kung iisipin natin, ano pa ang magagawa ko sa Albay gayong nandito si Joey Salceda,†pabirong pahayag ng Pangulo. Ang dalawa ay magkamag-aral sa Ateneo de Manila University.
- Latest