Magkakapatid na senador maaalis sa anti-dynasty bill
MANILA, Philippines - Hindi na maaring magkasabay na maupo sa Senado ang mga magkakapatid na senador sa sandaling maging ganap na batas ang isinusulong na anti-political dynasty bill.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, ipagbabawal sa isinusulong na panukala na kumandidato ang mga malalapit na magkakamag-anak katulad ng magkapatid o hanggang second degree.
Kabilang dito ang mag-asawa, magkapatid, mag-ama o mag-ina, at maging ang mga lolo o mag-lola.
Sinabi ni Pimentel na mawawala na ang mga malalapit na magkakamag-anak sa mga national position dahil ipagbabawal na ito ng batas.
Balak pa ni Pimentel na magsagawa ng konsultasyon sa mga lugar na maraming nakaupong magkakamag-anak.
Nauna rito, sinuportahan ni Senate President Franklin Drilon ang pagpasa ng batas laban sa mga political dynasties.
Naniniwala si Drilon na panahon na para mapag-usapan ang nasabing panukala na nagÂlalayong buwagin ang mga political dynasties sa bansa.
Nauna ng nagsagawa ang House of Representatives ng debate sa sarili nitong bersiyon ng anti-political dynasty bill.
- Latest